SECOND HAND (PART 7 WHITE GOLD)

Isinama sila ni Tirso sa Paraiso sa loob ng isla. Paraiso ito sa mahilig sa panandaliang aliiw.

..

PART 7

 

Palabas na ako ng pier nang masalubong ko ang kotse ni Tirso. Saglit siyang huminto ng makita ako.

“Naka-alis na ang barko, “ sabi ko sa kanya.

“Yung galing sa Romblon ang inaabangan ko,” sabi nya naman.

“Daraan dito sa Sibuyan ang papunta namang Batangas. Nasa hotel pa sina Marlon, gusto ka raw nyang maka-usap, nalimutan kong sabihin sayo kanina,” sabi pa nito.

“Salamat, dadaan ako doon pagkahatid ko dito sa pasahero ko,” sabi ko naman. Pinaandar ko na ang traysikel, nakita ko sa side mirror ng motor ang pagpasok ng kotse ni Tirso sa gate ng pantalan.

 

“Bro, mabuti nagpunta ka,” sabi sa akin ni Marlon na parang tuwang-tuwa ng makita ako.

“May kontrata ako dito sa Sibuyan, kailangan ko ng mga labors, baka may mga kakilala ka,” simula ni Marlon. Saka ko siya napagmasdan. Maliit lang na lalaki si Marlon. Maputi ito. Parang gatas ang kutis nya. Naka salamin ito. ...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow