EL Babaero Episode 1: Ang kasintahan
Isang mabait at mapagmahal na Kasintahan ang susubukan ang katapatan niya sa babaeng siya lang ang minahal. Anong pagsubok kaya ang haharapin nilang dalawa Ang storya na ito ay dedicated sa isang babaeng napakahalaga sa aking buhay na nagrequest na gawan ko daw siya ng isang storya. Sa lahat ng mga nakasama ako sa journey mula ng unang sumulat ako. Kilala niyo siguro ang babaeng iyon. Abangan kung ano ang magiging papel niya sa storya na ito.
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
PS: All characters are above 18 years old.
==========
Paris-Charles de Gaulle Airport
Ako si James Oliver Santos Tan, o mas kilala sa tawag na James ng aking mga kaibigan at kakilala. Capt Tan naman sa mga colleague ko lalo na kapag nasa trabaho kami.
Tama ang nabasa niyo, isa akong kapitan. Hindi ng polisya o ng kasundaluhan bagkus isang kapitan sa Air France. Halos tatlong buwan pa lamang ako sa aking posisyon at dalawang taon naman sa airlines.
Sa edad kong dalawamput anim ay masasabi kong matagumpay na ako sa buhay. Nagtapos ako sa kursong bachelor’s of science in Civil Engineering sa Mapua Institute of Techonology.
Isa ako sa may pinakamataas na marka sa aming campus kaya naman nagtapos ako ng Suma Cum Laude, isa din ako sa pinaka mataas ang rank noong kumuha ako ng licensure exam.
Pero wala talaga sa pagiging civil engineer ang aking puso at talaga hinahatak ako patungo sa flying industry, madami ang nagsabing kasamahan kong piloto na nakuha ko daw ang “ Aviation Bug”.
Ito ay ang kolokyal na salita tungkol sa isang tao na kahit napakalayo ng profesyon niya ay pilit na dinadala siya sa aviation industry. Kaya naman kahit mahirap ay pinagsabay ko ang dalawang kursong ito.
Madiskarte ako sa buhay kaya kahit parehas na mahal ang dalawang kurso ko ay aking itong naitawid. Mag-aaral s...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





