Ang Higanti ng Agila III: Ang Pagkadiskubre

Ano kaya ang laman ng vault na nakita ni Alex sa lumang kwarto ng kanyang asawa? Ito na kaya ang magiging ugat ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang relasyon dalawa.

..

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

==========

Alas tres ng hapon.

Kasalukuyan na akong nakatayo ngayon dito sa malapit sa entrance ng resort. Nakasuot ako ng King Triton inspired costume. Kasama ko ang aking mga kumpare at nakasuot naman ito ng head gear ng pang mga sea creatures.

Si Tata berting ay may crab sa ulo. Si John naman ay hipon, Si Randall ay snail na nakasalamin. At si Kuya Cesar naman ay nakasuot ng sharks fin sa ulo niya.

“ Pasok po kayo” ang magalang na sabi ko sa mga pumapasok na mga kabataan mula sa mga kapitbahay namin at mga anak ng ibang mga tauhan sa mga katabing resorts.

“ Diretso lang po kayo” ang sabi naman ni John na nag usher din malapit sa akin. Medyo mabagal lang ang pasok ng tao dahil may security check pa sa mga guard ni Mama.

“ Siguro sardinas inspired ung costume ng inaanak namin noh pare” ang nakangising sabi ni Randall habang ito ang nagbabantay ngayon sa security ng resort na nakaconnect sa kanyang telepono.

“ Sira…… Little Mermaid si Alexis…. Kahit ako excited na makita ang suot nilang mag-ina lalo na si Julia hehehehe” Ang sagot ko naman dito sabay tawa namin lima ng malakas.

“ Padagdag ka ng security dito para mabilis ang pasok” ang utos ko naman sa isang security na nasa tabi ko. Nakita ko naman na rumadio ito sa kanyang mga kasamahan gami...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow