..
Masayang sumalubong sa akin si Daniel.
“Partner, pinasaya mo ako sa pagdalo mong ito sa aming convention,” bungad sa akin ni Daniel.
Si Trisha ang kasama ko. Nasa ika-limang buwan na ang dinadala nya. Halata na ang umbok ng kanyang tiyan. Subalit, kaakit-akit pa rin ang aking abugada.
“This has been a blessed year para sa akin,” masayang wika ni Daniel sa gitna ng entablado.
“Buong kagalakan kong ipinapahayag sa lahat, ang pagdadalang-tao ng aking mahal na kabiyak---" itinuro nya si Nancy na nasa harapang upuan, at ang revolving spot light ay tumutok dito. Magandang-maganda ng gabing iyon si Nancy.
“At ang aking running mate sa darating na halalan--- si Attorney Mohammad Ted Enrique, ng Enrique & Borromeo Law Office!” natulig ako sa sinabi ni Daniel. Nabigla ako. Wala sa usapan namin ni Daniel na ihahayag nya sa gabing iyon ang proposal nya na tumakbo ako bilang vice mayor nya sa darating na eleksyon.
Nagkislapan ang mga kamera. May live video pa ang piging. Tumutok sa lamesang kina-uupuan ko ang spot light. Sa gitna ng palakpakan ay wala akong nagawa kundi tumayo at i-acknowledge ang aking presensya sa pagtitipon na iyon.
“Wag kang mag-alala attorney,” sabi ni Daniel, “malaki ang chance natin sa election na ito. Umay na ang mga tao sa pamilya ng incumbent.”
Magkakaharap kami sa lamesa. Tapos na ang piging. Naiwan na lang kami sandali, at nagkaroon pa ng impromptu interview ukol sa nai-announced ni Daniel sa entablado.
“Everything will be taken care of,” dugtong nya, “marami tayong corporate donors to finance our campaign.”
Hindi iyon ang concern ko. Ayoko ng pulitika, hangga’t maari. Ayokong tumira sa isang glasshouse. Ayokong mamantsahan ng pulitika ang ta...